Monday, September 10, 2012

MUNDONG PARISUKAT



sa mundong ka'y gulo
tayo ay pinagtagpo
mga mata'y nagkatama
ng hindi sinasadya

ang ating mga pusong sugatan
at mga matang luhaan
ay tanda ng ating kahapon
na hindi natin naiwasan

ngunit ng tayo'y nagkita na
ang hapdi ay di na ininda
sapagkat wala ng mahihiling pa
dahil tayo'y nagkasama na

sa ating bagong mundo
tayo lang ang magkasalo
sa apat na sulok nito
pag-ibig lang ang pupuno

sa saliw ng ating tugtugin
ang ibang mundo'y limutin
ikaw lang at ako
sa parisukat nating mundo

No comments:

Post a Comment